Pumabor ang lahat ng mambabatas ng South Korea na patalsikin sa puwesto si acting President Han Duck-Soo dahil sa sinasabing “active participation in the insurrection” matapos ipatupad ni President Yoon Suk Yeol ang martial law.
Ayon kay National Assembly Speaker Woo Won-Shik, bumoto ang lahat ng 192 sa 300 lawmakers upang maipa-impeach si Han Duck-Soo.
Dahil dito, kasama ni President Yoon isasailalim din si Han sa paglilitis ng South Korean Court, na magdedesisyon kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pagiging Pangulo at Punong Ministro ng bansa.
Sinabi naman ni Han na kanyang nirerespeto ang desisyon ng mga mambabatas at maghihintay na lamang sa hatol ng Constitutional Court. – Sa panulat ni John Riz Calata