Sumakabilang buhay na ang South Korean National na tatlong buwang nakipag laban sa sakit na Mers-Cov.
Ipinabatid ng health ministry ng Seoul na ang nasabing 66 na taong gulang na lalaki ay na diagnose na may Mers noon pang Hunyo sa Samsung Medical Center.
Sinasabing magagamot pa ang sakit ng pasyente subalit bumigay ang katawan ng biktima dahil sa acute lung ailment nito.
36 na ang patay sa South Korea dahil sa Mers-cov.
By: Judith Larino