Nakatakdang bumisita si South Korean President Moon Jae-In sa Pyongyang, North Korea upang makipagkita kay Supreme Leader Kim Jong-Un.
Ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na isang Pangulo mula SoKor ang bibisita sa Pyongyang, matapos ang mahigit isang dekada at ikalawang beses na makakausap ni Moon si Kim.
Ayon sa SoKor, magsisilbing facilitator ang kanilang gobyerno at hihimukin ni Moon si Kim na maglatag na ng hakbang patungo sa nuclear disarmament.
Magugunitang nagkasundo sina UN at US President Donald Trump na ide-nuclearize ang Korean Peninsula kapalit ng ilang kondisyon tulad ng pagtanggal sa economic sanctions sa NoKor.
—-