Gusto niyo bang magpabata? As in mabawasan ang tunay nyong edad?
Aba yan po ay posible na sa South Korea matapos ipasa rito ang mga panukalang abandonahin ang tradisyunal na sistema nang pagbibilang ng edad ng kanilang nationals.
Batay sa kasalukuyang sistema o the Korean age, kinikilala ang tao na isang taong mas matanda kapag naipanganak na at dadagdagan ang edad ng isang taon kada January 1 kaysa sa mismong birth date nila.
Subalit ipinasa ng National Assembly ng Seoul ang mga panukalang nag-o-obliga sa paggamit ng International Age Counting System para sa official documents at ito ay ipapatupad sa June 2023.
Sinabi ng National Assembly na ang hakbang ay para maresolba ang anito’y social confusion na dulot nang pinaghalo- halong paggamit ng age calcucations at resulta nitong side effects.
Bukod sa Korean Age System, ang bansa ay mayruon ding isa pang method na kadalasang ginagamit para tukuyin ang legal drinking at smoking age o binibilang ang edad mula zero pagkapanganak pa lamang at isang taon ang idadagdag kada January 1.
Ginagamit din ang worldwide standard para sa ilang medical at legal records simula pa nuong 1960’s.
Ikinagulat naman ng ilang South Koreans ang balita at natuwa ang iba pa dahil lalabas na dalawang taon silang bumata!