Pinagbibitiw sa tungkulin ng libu libong South Koreans si President Park Geun Hye.
Sa gitna na rin iton ng iskandalong kinasasangkutan ng Sokor President hinggil sa panghihimasok ng kaibigan nito sa state affairs.
Kasunod na rin ito ng imbestigasyon ng prosecution sa presidential aides at iba pang opisyal para matukoy kung nilabay ng mga ito ang batas matapos payagan si Choi Soon Sil na manghimasok sa transaksyon ng gobyerno at kumita rito.
Iginiit ng mga galit na South Koreans na nawalan na ng mandato sa kanilang bansa si Pak dahil ipinagkanulo anila nito ang tiwala ng publiko.
Mahigpit namang itinatanggi ni Choi ang mga alegasyon na nanghimasok siya sa traksasyon ng gobyerno.
By: Judith Larino