6 na buwang isasara ang bahagi ng Southbound EDSA-kamuning flyover sa Quezon City.
Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan isasara ang Southbound Lane simula Mayo 1 at muling bubuksan sa 25 ng Oktober.
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways ng retrofitting upang mapalakas ang pundasyon ng tulay para sa mga posibleng kalamidad tulad ng lindol.
Bagaman hindi ganap na isasara ang buong Southbound Lane ng kamuning flyover, inabisuhan ni MMDA Acting Chairman Attorney Don Artes ang mga motorista na gamitin ang mabuhay lanes bilang alternatibong ruta upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding traffic.
Mananatili namang bukas sa mga bus ang EDSA Carousel Busway at pinag-aaralan na ng mmda kung papayagang dumaan sa busway ang mga emergency vehicle.- sa panunulat ni Maianne Dae Palma