Makararanas ng mas mataas sa normal na dami ng ulan ang Southeast Asia ngayong huling bahagi ng 2020 hanggang sa susunod na taon.
Batay ito sa ulat ng World Meteorological Organization (WMO), bunsod ng epekto ng La Niña phenomenon na inaasahang magiging katamtaman hanggang sa malakas.
Ayon sa WMO, ang La Niña ay karaniwang iniuugnay sa maulang panahon sa malaking bahagi ng Southeast Asia, Australia.
Tumutukoy ito sa paglamig ng temperatura sa dagat sa Central at Equatorial Pacific Ocean na sinamahan ng pagbabago sa galaw ng hangin.