Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Silago sa Southern Leyte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig ay natukoy sa 19 na kilometro hilaga ng Silago pasado alas-11:00 kaninang umaga.
Ang naturang lindol ay may lalim na 144 na kilometro at tectonic in origin.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa nasabing lindol.
—-