Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Southern Leyte kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong isang kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Hinunangan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na siyam na kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang paglindol.