Patuloy pa ring umiiral sa bansa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat partikular na sa Southern Luzon at Western Visayas.
Ayon kay PAGASA weather specialist Daniel James Villamil, huling namataan ang bagyong karding sa layong 1,005 kilometers kanlurang bahagi ng northern Luzon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 205 kilometers per hour habang papalayo ng pilipinas at kumikilos patungong west-north-west sa bilis na 15 kilometers per hour pero walang direktang makakaapekto sa loob at labas ng ating bansa.
Samantala, patuloy namang minomonitor ng PAGASA weather bureau ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa 1,385 kilometers silangang-hilaga ng Luzon at posible itong maging bagyo at pumasok sa loob ng par sa susunod na 24 na oras.
Asahan naman ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa bahagi ng palawan kasama na ang Kalayaan Islands maging sa Zambales, Bataan, Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging habagat
Generally fair weather condition naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi pa ng Luzon.