Inilagay na sa red alert ang SOLCOM o Southern Luzon Command dahil sa “high security threat” mula sa mga rebeldeng komunista.
Sinabi ni AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla na sa ilalim ng red alert, nakaalerto ang isandaang (100) porsyento ng lahat ng kanilang units sa Bicol Region.
Idinagdag ni Padilla na kaya inilagay nila sa highest alert level ang SOLCOM ay dahil sa tumataas na banta nang atasan ng Communist Party of the Philippines ang NPA na paigtingin ang kanilang opensiba kasunod ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Bukod dito, nais din aniya nilang maiwasang magkaroon ng spill over ng terrorist crisis sa Mindanao, partikular sa Marawi City na ngayo’y inaatake ng ISIS-inspired Maute Group.
By Meann Tanbio
Southern Luzon Command naka-red alert vs. NPA threat was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882