Pansamantalang nawalan ng suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad sa Southern Metro Manila bunsod ng tatlong (3) araw na annual maintenance sa kanilang pasilidad sa Muntinlupa.
Nagsimula ang water service interruption nitong Miyerkules, 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw sa Sabado, Enero 20.
Kabilang sa mga apektado ang Barangay Alabang, Cupang, Sucat, Ayala Alabang, Putatan, Bayanan, Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa City;
Pilar, Almanza Uno, Almanza Dos, Talon Uno, Talon Kuatro, Talon Singko, Talon Tres sa Las Piñas at BF Homes sa Parañaque Cities.
Magpapakalat naman ang Maynilad ng mga mobile water tanker para sa libreng suplay sa mga apektadong customer.
We will temporarily reduce water production of our treatment facility in Brgy. Putatan, Muntinlupa City as part of its annual maintenance. Activity will cause low water pressure to no water supply from January 17, 2018 (10:00pm) to January 20, 2018 (4:00am) in the ff areas: pic.twitter.com/xAjlDYadZp
— Maynilad (@maynilad) January 17, 2018