Isang magnitude 5.3 na lindol ang tumama sa Southern Mexico nitong Miyerkules.
Ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre, may lalim itong 57 kilometers o 35.42 miles.
Bahagyang naramdaman ang pagyanig sa Mexico City.
Ayon sa Civil Protection Agency, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad ng Oaxaca upang suriin ang mga apektadong lugar.
Sa ngayon ay wala pang naiulat na pinsala kasunod ng pagyanig.