Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang southern Mindanao kaninang alas-8:30 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 22 kilometro, silangan ng Malapatan, Sarangani.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 30 kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Malapatan at Alabel, Sarangani; at General Santos City, intensity 4 sa Digos City at Kiamba habang intensity 3 sa Davao City at Lebak, Sultan Kudarat.
Sinabi ng PHIVOLCS na asahan ang aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.
By Meann Tanbio