Isang magnitude 7.2 na lindol ang yumanig sa Southeastern Peru nitong Huwebes.
Ayon sa US Geological Survey, may lalim itong 218 km o 135 miles ngunit batay sa ulat ng National Seismological Center ng Peru, isang magnitude 6.9 na lindol ang tumama sa lugar na may lalim na 240 kilometers.
Natunton ang epicenter nito sa layong 20 km ng bayan ng Azangaro.
Sinabi ng Peruvian authorities na nagdulot ang lindol ng shockwave na naramdaman sa Southwestern Regions.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan ang mga otoridad matapos ang naganap na pagyanig.