Tinatayang 891 empleyado ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang nagpositibo ngayong buwan.
Ayon kay SPMC medical chief Dr. Ricardo Audan, karamihan sa mga ito ang naka-home isolation habang tatlumpu ang naka-admit sa healthcare facility.
Sinabi pa niya na binawasan na ng SPMC ang quarantine time at ginawa na lamang na limang araw para sa mga na-impeksyong empleyado bunsod ng kakulangan sa medical staff.
Samantala, nakipag-ugnayan na si Ricardo kay National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. Para humingi ng health workers mula sa Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection.—sa panulat ni Airiam Sancho