Namahagi na ng mga face mask sa Southern Thailand sa gitna ng pagkalat ng haze o usok na sanhi ng Forest fire sa Sumatra, Indonesia.
Ayon kay Thai Prime minister Prayut Chan-O-Cha, inatasan na niya ang mga concerned agency na umaksyon na upang maiwasan ang pagkalat ng mga respiratory disease gaya ng hika.
Sa kabila nito, bahagya na anyang nabawasan ang usok kumpara sa sitwasyon noong Huwebes.
Inabisuhan naman ang publiko na iwasan muna ang anumang outdoor activities at kung nais mag-ehersisyo ay gawin na lamang ito sa loob ng bahay.
By: Drew Nacino