Tinatangkilik ang mga memorabilia o souvenir na ibinebenta sa paligid ng Quiapo church ngayong ipinagdiriwang ang pista ng poong itim na Nazareno.
Kabilang sa mga inilalako sa paligid ng Quiapo church ang mga panyo na may nakaimprentang imahe ng poon, pamaypay, bracelet, kwintas, damit at bandana.
Nasa P 25 ang benta sa bandana at panyo, P 50 ang pamaypay, habang may tinda din na pigurin ng poong Nazareno.
Bagama’t tuloy ang pagdami ng tao para manalangin, ayon sa mga tindera mas mabenta pa rin ang kanilang paninda noong hindi pa tumatama ang pandemya. - sa panunulat ni Maze- Aliño Dayundayon