Lumipad na sa kalawakan ang 3 astronauts mula sa Russia, Japan at Amerika bilang pagsisimula ng dalawang araw na biyahe patungong International Space Station o ISS.
Ang Soyuz Capsule ay lumipad mula sa Kazakhstan sakay sina Anton Shkaplerov, Norishige Kanai at Scott Tingle.
Ang naturang biyahe ay kauna-unahang paglipad sa kalawakan nina Tingle at Kanai samantalang ikatlong space trip naman ito ni Shkalperov.
Bukas inaasahang makakarating sa ISS ang Soyuz Capsule at makakapiling na ng mga sakay nitong astronauts sina Alexander Misurkin, Joe Acaba at Mark Vandde Hel na noong Setyembre pa nasa ISS.
—-