Bago madaliin ng mga Kongresista ang Senado, ipaliwanag muna nila kung bakit dalawang buwan hindi inaksyunan sa kamara ang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang buwelta ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa mga kongresista na inaapura ang senado sa pagsasagawa ng impeachment trial.
Ayon kay Senate President Escudero, Disyembre pa lamang ay nasa Secretary General na ng kamara ang tatlong impeachment complaint na pwede namang dinala na agad sa opisina ng House Speaker.
Dahil dito, iginiit ng Lider ng Senado na hindi niya hihilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng special session upang makapag convene ng impeachment court. – Sa panulat ni John Riz Calata