Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi mauuwi sa constitutional crisis ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Foreign Relations sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, aniya ang dahilan kaya’t minabuti niya na ipaubaya sa legal team ng Senado ang hiling ni Senator Imee Marcos na isyuhan ng subpoena ang Executive Officials na hindi sumipot sa ikalawang pagdinig.
Sinopla naman ng Senate President ang sinabi ni senator marcos na nakasalalay ang kalayaan ng Senado sa magiging aksyon sa kanyang naturang hiling.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)