Binanatan ni Senador Antonio Trillanes IV si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III matapos ibasura nito ang hirit na imbestigahan ang umano’y mga tagong yaman nila Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio.
Ito’y makaraang sabihin ni Pimentel na isa lamang uri ng pagsasayang ng oras ang isinusulong ni Trillanes dahil hindi aniya tamang lugar ang Senado para sa ganitong uri ng usapin.
Ayon kay Trillanes, tila ninenerbyos si Pimentel kay Pangulong Duterte na umano’y amo nito pero iginiit niyang tumutugon lamang siya sa hamon ng Pangulo na imbestigahan ang kaniyang sinasabing mga tagong yaman.
Bagay na sinalag naman ni Pimentel sabay buwelta na baka si Trillanes pa nga ang nanginginig kapag hindi aniya napag-uusapan ang mga bank accounts ng mag-amang Duterte.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio