Nakatakdang kwestyunin ni Senate President Koko Pimentel ang kakayanan ng PNP o Philippine National Police na mapanatili ang peace and order at maresolba ang krimen sa bansa.
Gayundin, aniya ang kakayanan ng PNP na maipatupad ang mga programa sa ilalim ng modernization program.
Ito ay ayon kay Pimentel, oras na sumalang na sa deliberasyon sa plenaryo ng senado ang budget ng PNP para sa susunod na taon.
Giit ni Pimentel, sunod-sunod pa rin ang mga kaso ng pagpatay sa bansa tulad ng sa konsehal ng Puerto Galerasa Oriental Mindoro na si Melchor Arago at 15-anyos na anak nito.
Una rito, sinita ni Pimentel si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kung nasaan ang ipinagmamalaki nitong peace and order na tinatamasa kahit ng mga kritiko na tinawag pa nitong ‘inggrato’.