Tiniyak ng liderato ng senado na agad nitong aaksyunan ang hinihinging tulong ni Senador Leila De Lima at mga kasamahan nito sa minorya.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel ito ay kapag natanggap na niya ang liham mula sa minority senators na humihiling na himukin ang PNP o Philippine National Police na tanggalin ang ipinatutupad na ‘advance 10 days’ notice’ para sa mga gustong bumisita kay De Lima.
Iginiit ng minorya na hindi dapat maapektuhan ng naturang patakaran ang pag – gampan ni De Lima ng kanyang tungkulin bilang isang senador kahit siya ay nasa loob ng kulungan.
Anila, mahalagang maging accessible pa rin ang nakapiit na senadora sa mga kapwa nito senador na may gustong talakayin kaugnay sa ‘legislative matter’.