Pabor si Senate President Koko Pimentel sa naging alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na mag – operate ito sa Pilipinas bilang telecommunications carrier.
Ayon kay Pimentel, kailangan na ng bansa ng ikatlong telecommunication company para matigil na ang paghahari ng TelCo “duopoly” kung saan naho – hostage lamang ang mga Pilipino dahil sa mahinang communication at data services nito.
Giit ni Pimentel, kailangan ng bansa ngayon ng mabilis at stable na internet speed na mayroong rasonable na presyo para makatulong sa pag – unlad ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Pimentel, isang pagpapakita ng “political will” ni Pangulong Duterte ang nasabing plano para resolbahin ang tumitinding problema sa kominukasyon at mabagal na internet sa bansa.