Kung si Senate President Tito Sotto ang tatanungin, dapat ay sundin ng Philippine National Police (PNP) at ng abogado ng suspek na naka-hit and run ng isang security guard ang nakasaad sa RA 10586 o anti-drunk and drugged driving law.
Ito ang inihayag ni Sotto makaraang madismaya sa hindi nasunod na proseso at ginawa ng mga otoridad sa pagsuko ng suspek na si Jose Antonio San Vicente.
Iginiit ng outgoing Senate President na dapat ay isinailalim si San Vicente sa comprehensive 5 way test ng Philippine Drug Enforcement Agency (POEA) at hindi tamang regular drug test lang ang gawin.
Nakapagtataka anyang ang mahirap na lolong nagnakaw lang ng mangga ay ipinakulong agad gayong iba ang pagtrato ng mga otoridad sa may kaya na naka-hit and run ng security guard na muntik nang mamatay. - sa ulat ni Cely Ortega-Bueno