Hindi sang-ayon ang liderato ng Senado na ipatupad sa bansa ang ‘mail- in votes’ na ginawa sa US elections.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito raw ang pinakamabilis na sistema para makapandaya sa botohan.
Giit ni Sotto, maraming mga katanungan kung papaanong ipatutupad ang mail in votes, gaya ng tanong kung saan ipadadala ang boto, sa post office ba? kailan ito bibilangin, at higit sa lahat sino ang magbibilang nito.
Pagdidiin pa ni Sotto, papaano kung may mag-leak na resulta ng botohan, dahil lahat ani Sotto ng paraan para makapandaya ay pwedeng gawin.
Magugunitang ayon kay Senadora Imee Marcos, chair ng Committee on Electoral Reform ng Senado na masalimuot ang pagbabago ng proseso ng eleksyon, dahil posible itong mauwi sa kawalan ng tiwala ng publiko. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)