Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na mas malaki ang pag-asang makalusot ang mga panukalang maibalik ang parusang kamatayan kung igagawad ito sa high level drug traffickers lamang.
Inamin ni Sotto na sa 18th congress ay mas marami silang pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan subalit nakadepende pa rin ito sa mga isasagawang deliberasyon.
Binigyang diin ni Sotto na tama lamang mabitay ang bigtime drug traffickers dahil kahit nahatulan sila at nasa loob ng pambansang piitan ay nagagawa pa nilang patakbuhin ang kanilang iligal na negosyo.
Tinukoy ni Sotto na sa mga kapitbahay na bansa ng Pilipinas na nagpapatupad ng death penalty, may takot ang mga sindikato ng droga.