Ipinagmalaki ni Senate President Tito Sotto III ang pagiging produktibo ng Senado ngayong 2018.
Kaugnay aniya ito ng hindi matatawarang bilang ng mga naisabatas na panukala ng Senado gayundin ang kalidad at kahalagahan ng mga ito.
Batay sa tala ng Senado, aabot sa siyamnapu’t limang (95) mga bills ang kanilang naaprubahan kung saan karamihan sa mga ito ay ganap nang naging batas.
Nasa walumpu’t lima (85) naman ang enrolled bill na naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, labing siyam (19) ang nasa bicameral committe at apatnapu’t limang (45) panukalang batas ang naisapasa na sa ikatlo at huling pagbasa.
Gayunman, aminado rin si Sotto na naharap din sa ilang hamon ang Senado ngayong taon.
—-