Kumpiyansa si Senate President Tito Sotto III na maipapasa pa ang tatlong panukalang batas bago magbreak ang Senado sa susunod na linggo.
Ayon kay Sotto, posibleng maipasa ang anti-terorrism act, sin tax reform measure at salary standardization law of 2019.
Aniya, patapos na ang interpellation ng human security act ngayong araw, habang rates na lamang ang pinag-uusapan sa sin tax measure.
Samantala, malabo naman maipasa ngayong taon ang bukod na department para sa tubig at disaster resilience.
Nakatakdang mag resume ang session ng Kongreso sa January 20, 2020.