Nais paimbestigahan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagkakaantala sa implementasyon ng National Identification (ID) System.
Ayon kay Sotto, mas mapapadali sana ang pamamahagi ngayon ng cash assistance sa mga mahihirap kung naipatupad na ang National ID System.
Ani Sotto, plano niyang ikasa ang pagdinig hinggil dito sa oras na magbalik sesyon ang Senado sa ika-4 ng Mayo.
Kasabay nito, kinalampag ni Sotto ang National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa mabagal na implementasyon ng naturang batas.
Sa ilalim ng National ID System, pag-iisahin na ang iba’t ibang government IDs kung saan lalamin nito ang PhilSys number (PSN), buong pangalan, facial image, kasarian, kaarawan, blood type at address.