Dapat ipagbawal ang pagparada ng mga sasakyan sa mga kalsada sa kahabaan ng Metro Manila.
Ito ang naging suhestiyon ni Senate President Vicente Sotto III sa pagdinig ng senado para masolusyonan ang hindi matuldukang problema sa trapiko sa EDSA.
Sa ganitong paraan aniya ay hindi na makadaragdag pa sa volume sa EDSA ang mga nakaparadang pribadong sasakyan dahil maaari naman aniyang gumamit ang mga ito ng alternatibong ruta patungo sa kanilang mga destinasyon.
Dagdag pa ni Sotto, dapat aniyang kumilos ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakasa ng road clearing operations habang nililinis ang EDSA mula sa mga pribadong sasakyan.
I go back to my original proposal, noong araw pa ito, walang nakikinig. May nakinig konti lang. Ang talagang solusyon to decongest EDSA ay ‘no parking’ in Metro Manila,” giit ni Sotto.