Sayang”,
Ito ang naging reaksiyon ni Senate President Vicente Sotto III makaraang sibakin na sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Sotto, sayang lamang ang ibinigay na tiwala ni Pangulong Duterte kay Robredo.
Nakabatay aniya sa tiwala ang ginawang pagtalaga ng pangulo sa bise presidente sa ICAD ngunit oras na mawala na ang tiwala ay asahan na ring mawawala ang posisyon na ibinigay nito.
Ayon pa kay Sotto, nais ng pangulo na makita ni Robredo kung gaano kalawak ang problema sa ilegal na droga sa bansa ngunit posible aniyang nakita ng Pangulong Duterte na bigo itong sumunod sa kanyang nakatakdang trabaho kaya’t sinibak na ito sa puwesto.
Dagdag pa ni Sotto, parang laro lamang ito ng basketball kung saan prerogative ng isang coach kung sino ang ipapasok at ilalabas sa laro. — ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)