Bumagsak pabalik sa mundo ang space station ng China na “Tiangong-1”.
Gayunman agad na nilinaw ng Chinese manned space agency na walang mga “debris” na bumagsak sa mga populated area dahil nasunog na ang ilang bahagi nito sa kalawakan bago mag-landing sa “South Pacific.”
Ang “Tiangong 1” o tinaguriang “Heavenly Palace” ay inilunsad sa kalawakan noong 2011, bilang prototype sa nais ng China na magkaroon ng permanent space station na target sana sa taong 2022.
—-