Nagdeklara na ang Spain ng nationwide State of Emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Spain Prime Minister Pedro Sanchez, kanila itong napag desisyunan kasama ang mga cabinet members matapos na makumpirmang nararanasan na nila ang ika-2 bugso o 2nd wave ng COVID-19.
Magpapatupad narin ang Spain ng curfew mula 11 ng gabi hanggang 6 ng umaga. Matatandaang una nang nagpatupad ang Spain ng 15 araw na state of emergency.
Pero dahil s apatuloy na pagtaas ng kaso ay pinalawig pa ito ng hanggang anim na buwan. Magugunitang ang spain rin ang kauna unahang European country na nakapagtala ng mahigit 1 milyong kaso ng COVID-19.