Nagpahayag ng interest ang bansang Spain na maging host country ng United Nations COP25 climate change summit.
Ito ay matapos kanselahin ng Chile ang summit dahil sa patuloy na protesta sa naturang bansa.
Ayon sa pahayag na inilabas ng pamahalaan ng Spain, handa sila sa mga responsibilidad na kinakailangang gawin ng hosting country.
Iginiit din ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na handa ang lungsod ng Madrid para pagganapan ng summit.
Sinegundahan naman ni Chilean President Sebastian Pinera at tinawag itong isang solusyon para matuloy ang summit.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang United Nations (UN) hinggil dito.