Inihayag ni Spain Prime Minister Pedro Sanchez na sisimulan na nito ang pagbabakuna sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Sanchez ang Spain at ang Germany ang unang bansa sa European Union na may konkretong plano sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Meron itong tinatayang 13k vaccination point at target matapos sa loob ng 3 buwan ang pinakamalaking bahagi ng populasyon nito.
Matatandaang ang Espanya ang pangalawa sa pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa kanlurang Europa kasunod ng bansang France.— sa panulat ni Agustina Nolasco