Tinambakan ng Spain ang Costa Rica sa Group E-Stage Game matapos na makakuha ng iskor na 7-0 sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Mula sa umpisa ng laban ay nakakuha na ng kalamangan ang Spain nang maipasok ni Dani Olmo at Marco Asensio ang goal.
Bago matapos ang first half, nakapuntos muli ang nasabing bansa sa pamamagitan ni Fernan Torres kaya’t umakyat sa 3-0 ang iskor nito.
Sa second half ng laban, umabot na sa 4-0 ang kalamangan.
Samantala, hindi pinaporma ng Spain ang Costa Rica at magkakasunod na naipasok ng midfielder, nina Carlos Soler at Alvaro Morata ang goal.