Pinakakasuhan ng DOJ o Department of Justice ang Spanish National na hinihinalang pinuno ng ASG o Abu Sayaf group na si Abdelhakim Labidi Adib.
Tatlong patong ng paglabag sa Republic Act 9165 o illegal possession of firearms and explosives ang inirekumendang kaso laban kay Adib sa RTC o Regional Trial Court ng Isabela City sa Basilan.
Batay sa walong pahinang resolusyon na pirmado ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan, hindi aniya kapani-paniwala ang alibi ni Adib kung bakit siya napadpad sa Basilan na kilalang pugad ng mga bandido.
Nakakita rin aniya ng probable cause ang DOJ sa reklamo ng 14th Special Forces Company ng Army para kasuhan si Adib dahil sa mga nakumpiska sa kaniyang granada, riffle grenade at improvised explosive device o I.E.D.
Magugunitang natimbog si Adib sa checkpoint ng Philippine Army sa Masulo Basilan nuong gabi ng Enero 22 ng taong kasalukuyan.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio