Inilagay na sa blacklist ng Bureau of Immmigration (BI) ang Spanish citizen na nakipag talo sa pulis na nanita sa kanyang kasambahay sa loob ng isang subvidision sa Makati City nuong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, habang buhay nang banned na makapasok ng bansa si Javier Salvador Parra.
Dapat anyang magsilbi itong babala sa mga dayuhan na lumalabag sa batas ng Pilipinas at nang iinsulto ng mga pulis na nagpapatupad ng batas.
Si Parra ay napag alamang nagbalik ng Madrid, tatlong araw matapos ang insidente nuong April 26.