Nasa bansa na ang Spanish Navy frigate Méndez Núñez bilang parte ng kanilang misyon na bisitahin ang mga lugar na pinuntahan ni Ferdinand Magellan noong 1519.
Ayon sa commanding officer ng barko na si Commodore Antonio Gonzales Del Tanago De La Lastra, isa ang Maynila sa pinakamahalagang destinasyon ng kanilang barko.
Lulan ng naturang barko ang halos 200 mandaragat mula sa bansang Espanya.
Nakatakda namang pumunta ang mga ito sa Baler upang gunitain ang ika-limang daang anibersaryo ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas.
Ang pagdaong ng Méndez Núñez ay ang ikalawang beses na pagpunta ng isang Spanish warship sa bansa na unang ginawa ng mandaragat na si Blas De Lezo noong Oktubre 1927.