Laglag na sa Roger’s Cup si Spanish Tennis Star Rafael Nadal.
Ito ay makarang gulatin siya at talunin ng Canadian teenager na si Denis Shapovalov sa third round ng Torneo sa iskor na 3-6, 6-4, 7-6.
Ang 18 anyos na si Shapovalov ang pinakabata ngayong tennis player na nakaabot sa quarterfinals sa isang ATP masters.
Samantala, dahil sa maagang pagkatalo, nabigo si Nadal sa tangka nitong malampasan sa ranking si Murray na hindi nakapaglaro ngayon dahil sa injury nito.