May hawak ng lead ang Southern Police District (SPD) sa kaso ng pananambang at pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ito ang kuhang video sa dashcam ng sasakyan ni Mabasa at cellphone na itinurn-over ng pamilya ng biktima.
Ayon kay Roy Mabasa, nakababatang kapatid ni ka Percy at dati ring mamamahayag ng Manila Bulletin, inaasahan nila na magkakaroon na ng resulta ang imbestigayon ng pulisya.
Pinag-aaralan na rin anya ng SPD ang c.c.t.v. footage na galing naman sa barangay na nakasasakop sa BF Resort Subdivision, Las Piñas City na pinangyarihan ng krimen.
Batay sa inisyal na report, ang lalaki na nakita sa footage ang pinaniniwalaang bumaril at pumatay kay Lapid.
Samantala, inihayag naman ni Las Piñas Police Chief, Col. Jaime Santos na hinihintay pa rin nila ang resulta ng digital forensic test sa cellphone ni ka Percy upang matukoy ang huling nakausap nito o kung nakatanggap ng death threat.