Malinaw na posisyon sa pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa pederalismo.
Ito ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang dapat gawin ng mga tatakbo sa pagka-Senador sa susunod na taon.
Pinayuhan ni Alvarez ang mga nagpa-planong tumakbo sa Senatorial Elections na maging ‘issue oriented’ na bagamat nasanay na ang mga Pilipino na mga kilala o sikat ang ibinoboto.
Binigyang diin ni Alvarez na dapat nang itaas ang political maturity sa Pilipinas sa pamamagitan nang pagtutok sa iba’t ibang usaping kinakaharap ng bansa.
Gayunman, ikinampanya na ni Alvarez sa publiko na huwag iboto ang ‘senatoriables’ na tutol sa pederalismo.