Itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na puntirya niya na maging prime minister ng bansa sa oras na maisakatuparan ang parliament form ng pamahalaan sa pamamagitan ng Charter change.
Ito’y kasunod ng mga lumutang na espekulasyon kung saan posible umanong bahagi ng plano na siya ay maging punong ministro matapos siyang mahalal bilang House Speaker.
Ayon kay Arroyo, wala siyang ganitong klaseng plano.
Sinabi pa ng bagong speaker na hindi uusad ang no-el scenario sa Mababang Kapulungan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Noong Lunes, 184 kongresista ang bumoto para patalsikin sa puwesto si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.
—-