Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang maigting na pagsusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa interes ng Pilipinas, partikular na sa teritoryo ng bansa.
Ito ay kasunod ng paglalahad ni Pangulong Marcos sa pagkilala ng bansa sa rules-based order at paghahangad ng mapayapang resolusyon sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Summit sa Melbourne kamakailan.
Ayon kay Speaker Romualdez, napalakas nito ang strategic alliance ng Pilipinas at China, pati na rin ang relasyon ng bansa sa iba pang miyembro ng ASEAN.
Dagdag pa niya, “timely at crucial” ang naging panawagang ito ng Pangulo.
Samantala, kinilala rin ng House Speaker ang mga nilagdaang kasunduan ni Pangulong Marcos sa Australia, kabilang ang mas pinalakas na interoperability sa maritime domain at environment.