Makikiusap si House Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at Professional Regulation Commission (PRC) na payagan ang mga hindi pa rehistradong nurses para magsilbing complementary manpower sa gitna na rin ng kakulangan ng health workers sa bansa.
Ito, ayon kay Velasco, ay habang hinihintay pa ang naurong na board examination sa ika-21 at ika-22 ng Nobyembre na una nang itinakda ng ika-30 at ika-31 ng Mayo.
Sinabi ni Velasco na ang mga nasabing nursing graduates ay maaaring magpasailalim sa isang nurse o doktor sa pamamagitan ng isang special arrangement sa PRC.
Batay sa datos ng DOH, hanggang nitong ika-25 ng Abril ay nasa mahigit 17,000 health workers ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan halos 200 ay active cases at 88 naman ang nasawi.