Tatakbo muli si Speaker Lord Alan Velasco sa 2022 elections.
Ito ang inihayag ni Velasco, Representative ng lone District of Marinduque dahil marami pa aniya siyang kailangan gawin sa kanilang probinsya.
Hindi rin iniaalis ni Velasco ang posibilidad na muli nitong gustuhin ang posisyon bilang House Speaker, depende aniya kung makakakuha siya ng suporta mula sa kaniyang mga kapwa mambabatas.
Oktubre nang umupo bilng speaker si Velasco, kapalit ni Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano.