Hinimok ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong na lamang sa halip na manira.
Ito ang inilabas na pahayag ng kalihim sa pambihirang pagkakataon sa harap na rin ng walang tigil na pagpuna at birada sa mga ginagawa ng Pangulo.
Ayon kay Go, hindi talaga mawawala ang mga nais manira sa Pangulo at tila hindi na makapaghintay pa na matapos ang termino ng punong ehekutibo sa 2022.
Giit pa ni Go, mayorya ng mga Pilipino ang naghalal sa Pangulo kaya’t dapat itong bigyan ng pagkakataon para makapagsilbi sa bayan.
Kasunod nito, nagpasalamat si Go sa mga masugid na tagasuporta ng Pangulo at tiniyak na hindi sila mabibigo dahil pagsusumikapan ng Pangulo na maglingkod sa sambayanang Pilipino.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Special Asst. to the Pres. Bong Go nagsalita sa pambihirang pagkakataon was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882