Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ispesyal na pagpupulong ng mga miyembro ng gabinete bukas, Hunyo 17.
Ito’y sa harap ng inihaing protesta ng Pilipinas laban sa China matapos ang nangyaring banggaan ng mga bangka sa bahagi ng Recto Bank noong Hunyo 9.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ang naging pasya ng pangulo isang oras bago pormal na sabihan ang mga kalihim hinggil sa naturang pulong.
Magugunitang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong isang linggo na i-aakyat nila sa lebel ng mga gabinete ang nasabing usapin.